JUDAS JUDAS JUDAS
Martes, Hulyo 5, 2011
Maricel Soriano, Nagtangkang Barilin ang Kasambahay
Nasasangkot ngayon ang Diamond Star Maricel Soriano sa isyung minaltrato niya diumano ang kanyang dalawang kasambahay. Nagtungo sa isang barangay hall sa Makati City ang dalawang dating kasambahay para ireklamo ng pang-aabuso ang kanila amo.
Nitong nakaraang Biyernes, ipinarating nina May Cahuela, 22 at Camille Acojedo, 18, ang kanilang reklamo laban sa binansagang “Diamond Star” at “Taray Queen” na si Maricel sa Barangay Hall ng Brgy. Poblacion sa Makati nitong Huwebes.
Sinabi ng dating kasambahay na si May Cahuela noong Miyerkules ng gabi nang biglang nag-init ang ulo ni Maricel nang ipaayos sa kanya ang mga gamit na dadalhin nito sa isang studio recording.
“Tinadyakan po niya ako e. Sa isang pagkakamali na hindi dapat na tatadyakan… tinadyakan niya ‘ko dito po,” pahayag ni Cachuela, sabay turo sa kanyang tagiliran.
Matapos maawat ng anak, nagbanta raw ang aktres na kukuha ng baril kaya lalo umanong natakot ang mga kasambahay. Ayon pa kay Alex Reyes, barangay secretary, na ang dalawang kasambahay ay bukod sa pinipisikal, ay nakakakuha ng masasamang salita mula sa Diamond Star. Hindi din daw sila pinapasahod nito. Dinagdag pa ni Reyes na hindi lang ito ang reklamo na nakuha nila sa barangay kung saan dawit ang pangalan ni Soriano.
Noong nakaraang Pebrero, nagreklamo na ang mga dating kasambahay ng aktres.
Nakatakas lang ang dalawang kasambahay dahil sa tulong ng anak ni Soriano na si Sebastian” Chen” Soriano. Hindi pa nagsasampa ang mga kasambahay ng kaso laban sa aktres.
Ipapatawag sa barangay sina Maricel at mga nagrereklamong kasambahay para pagharapin at malinawan ang usapin. Tikom pa rin ang kampo nila Soriano para sa kanilang panig.
Mga Anomalya ni GMA at Morato sa PCSO, Uungkatin ng Senado
Kinasa na ng kampo ng PCSO na pinamumunuan ni Margie Juico ang pagdinig sa mga anomalya ng nakaraang administrayon sa paggamit ng pera ng bayan.
“Lakas tama si Arroyo,” ani Sen. Ping Lacson sa pagkakakumpirma ng mga dokumento na nagpapatunay na ginamit ni GMA ang pondo ng bayan kung saan nakapirma si GMA sa mga maanomalyang transaksyon ng PCSO.
Sa tingin ko malaki ang tama niya dito. Pirma talaga niya, may picture pa nga niya,” pahayag ni Lacson sa panayam ng DZBB kahapon. Ayon sa senador, ang lagda aniya ni Arroyo sa naturang mga dokumento ay sapat na para maharap ito sa kasong kriminal at administratibo.
“May nakita ako na mga document na may lagda siya. Siya (GMA) ang nag-aapruba so meron siyang culpability, kung ‘di man administrative eh criminal liability,” sabi pa ni Lacson.
Sa darating na Miyerkules nakakasa ang imbestigasyon ng Senado at pangunahing imbitado ang mga opisyal ng PCSO at Commission on Audit (COA). Sa Miyerkules at Huwebes ay pagpapaliwanagin nila ang mga kongresista at mga sangkot sa isyu kasama na din ang mga mga lider ng simbahan na dawit dito.
Kabilang sa mga ito sina Camarines Sur Rep. Diosdado Arroyo na sinasabing nakatanggap ng P500,000 para sa Naga City hospital; Quezon Rep. Danilo Suarez na umano’y tumanggap ng P68M; Negros Oriental Rep. George Arnaiz (P11.5M); Bulacan Rep. Ma. Victoria Sy-Alvarado (P8M); Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino (P5M); Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez (P5M); dating Bulacan Rep. Lorna Silverio at dating North Cotabato Rep. Emmylou Talino Mendoza (P1.2M).
Mga etiketa:
GMA,
Manoling Morato,
Margie Juico,
ping Lacson
Maria Aragon, Napahanga ang Royal Couple
Napamangha ni Maria Aragon ang mga Royal Couple na sina Prince William and Kate Middleton sa pagkanta ng National Anthem sa ginawang Canada Day celebration sa Parliament Hill, Ottawa noong Biyernes – ang ika-144 na kaarawan ng bansa. Nabigyan ng pagkakataon kumanta si Aragon dahil sa pambihirang galing sa pagkanta ng batang Pinay. Nahawakan pa niya ang kamay ng Royal Couple at sinabing na-starstruck si Aragon ng pinuri siya sa galing niya sa pag-awit.
“I’m really excited because the royal couple, I’ve never been in front of royalty so that’s really cool,” aniya. Matapos ang programa, nabigyan ng pagkakataon ang mga performers na umakyat sa stage, makilala at makipagkamay sa Royal Couple.
Na-surpise di umano si Aragon dahil first time daw nito makakita ng royalty. Napabilib man niya ang Royal Couple, mas bibilib tayo dahil gumawa si Aragon ng commercial sa isang telecommunications company dahil sa pagsikat nito sa Youtube noong Mayo ng kasalukuyang taon.
Tuluy-tuloy man ang biyayang natatanggap ng batang Pinay, tinitiyak naman ng pamilya niya na hindi magbabago si Aragon. Malayo na nga ang narating ni Maria Aragon sa pagkanta at naiiwan pa din sa isip niya ang kulturang Pinoy.
Toyo, Nakaka-kanser?
Kamakailan ay binantayan ng BFAD ang mga gatas at fruit drinks na may mapanganib na kemikal, mahigpit naman ngayong nagbabala ang Food and Drugs Administration (FDA) sa mga toyo na posibleng nakakakanser.
Sa isang advisory na ipinalabas ng FDA, sinabi ni FDA Deputy Director Nazarita Tacandong na mainam na bumili lamang ang publiko ng mga toyo na may tatak at iwasan ang bumili ng mga tingi-tingi o maging ang mga walang tatak na lalagyan partikular kung galing sa ibang bansa.
Ang anusyo ng FDA kasunod ng naging pagsusuri na may ilang toyo ang nagtataglay ng 3 monochloropropane-1, 2-diol (3-MCPD) na maaaring makapagdulot ng sakit na cancer. Sa ngayon ay nakatutok ang monitoring ng FDA para sa mga pinag na mga toyo sa Mercado at hindi pa muna maglalabas ng listahan ang FDA. Sa ngayon, pinagbabawal muna ang pagbili ng mga toyong walang tatak at nabibili sa ibang bansa habang patuloy pa din ang imbestigasyon sa mga ito.
May mga ibang mga tindera ang nagsasabi na gawa lang sa Pilipinas ang mga binebenta nila pero inutusan na ng FDA ang mga local government units na magsagawa ng monitoring para malaman kung gawa ba talaga sa Pilipinas ang mga binebentang toyo sa kani-kanilang pamilihan.
Ayon din kay Tacandong, may ilang mga produkto na binebenta sa merkado na hindi nakarehistro sa FDA kung kaya’t para makasiguro na ligtas ang bilbihin, bumuili lang sa mga lehitimong pamilihan o tiyaking may tatak para sigurado kayong dumaan sa pagsusuri at naiinspeksyon ng mabuti.
Biyernes, Hulyo 1, 2011
Lacson: Mga Alagad ng Simbahan, Maaaring Kasuhan
Ano na nga ba ang nangyayari sa isyu ng simbahan at mga lider nito na nasasangkot sa mga anomalya sa PCSO ngayon? Ang isyu – nabigyan daw ng mga Pajero ang mga obispo ng nakaraang administrasyong Arroyo.
Sa pag-iimbestiga ng PCSO Chairperson Margie Juico, ilegal ang transaksyon dawit ang mga alagad ng simbahan. Nangielam na din si Sen. Panfilo “Ping” Lacson at nagbanta na maaaring kasuhan ang mga ito ng kriminal.
“Wala namang mas mataas sa batas maski bishop ka at may criminal liability at sampahan ng demanda pwede kasuhan,” sabi pa ni Lacson.
Mas maganda sana kung mismong ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang magsiwalat kung sino pa ang ibang kasamahan nila na tumanggap ng Pajero mula sa PCSO.
Ayon kay Guingona, maaari nilang ipatawag ang mga bishop na tumanggap ng Pajero at iba pang klase ng sports utility vehicles (SUV) ngunit hindi nila mapipilit ang mga ito kung ayaw nilang magisa sa harap ng mnga senador na miyembro ng komite.
Binulgar pa ni Gabriela Partylist Rep. Luzviminda Ilagan na hindi lang Pajero ang mga binigay ni Gloria sa mga bishop, Nakatanggap din umano ng higit pa dito ang mga alagad ng simbahan at bago pa ito umupo nung 2001 binusog na niya mga mga lider ng simbahan.
Maaari nating pasalamatan si Margie sa pagbubunyag ng mga abo ng nakaraang administrayon sa mga anomalyang tulad nito. Napagpapatunay lang na maraming mga corrupt sa bansa, kasama na ang mga lider ng simbahan, na mukhang nakikisali pa sa kademonyohan ni Arroyo.
Hinihintay lang ngayon ng taong bayan ang panig ng CBCP sa usaping ito.

Miyerkules, Hunyo 29, 2011
Azkals vs Sri Lanka, Draw Match
Tabla ang laban ng Philippine Azkals vs. Sri Lanka kahapon na ginanap sa Colombo, Sri Lanka. Naging mahigpit ang laban ng Azkals kontra Sri Lanka. Nakaunang puntos man ang Sri Lanka, naka-ungos naman ang Azkals sa last round ng laban.
Nagdiwang ang mga Pinoy sa masasabing tagumpay na natamo ng Azkals, bagamat naaksidente ng bahagya si Phil Younghusband sa right hamstring. Tuloy pa din ang laban sa pag-asang gagaling din ito bago ang laban sa Rizal Memorial Stadium sa July 3, 2011.
Inaasahan naman na dadagsain ng maraming tao ang Rizal Memorial Stadium sa darating na linggo dahil sold out daw ang tickets sa kakatapos lang na Azkals vs Sri Lanka match. Mas mainit at determinado ang mga Azkals na makuha ang kampeonato dahil sa dami ng nakukuha nilang suporta.
Nagsimula ang Azkals 6 years ago na hindi man lang pinapansin ng mga tao dahil ang football ay hindi naman sikat sa bansa hindi gaya ng basketball. Hindi man naging madali sa umpisa, 6 sa orihinal na Azkals ang nanatiling miyembro ng grupo. Mahirap man ang pinagdadaan ng mga Azkals noon at ngayon sa matinding pag-eensayo, nababawi naman ito ng walang sawang suporta ng mga fans at gobyerno.

New witnesses for Vizconde Massacre from NBI; Webbs, Suspicious
An interview with the father of Hubert Webb, Mr. Freddie Webb, states that he wants to conduct a different investigation regarding new witnesses of National Bureau of Investigation presented to the media who allegedly supports the claim that Webb was here when the Vizconde Massacre happened. Webb said that it will end up like Jessica Alfaro; Alfaro was the lead witness when the Vizconde massacre was under investigation.
Webb fields a lot of witnesses also that proves that Hubert Webb was not here, they also showed Hubert Webb’s passport to make sure that he’s not in the Philippines when the horrible massacre took place.
Jessica Alfaro claims that she saw Hubert and other men forcing to get in to the house of the Vizcondes the night of the massacre. But they end up not getting any proof that Hubert was the killer. Despite of the lack of proof, the court’s decision prevailed to impound Hubert for 15 years.
Now Hubert is free and now the NBI just trying to solve this issue again by bringing the witnesses on court. Webb said that the witnesses, and the timing of their revelations, is suspicious.
I just want to think that NBI and this government is trying their luck to solve this crime. It only proves that the government’s way of investigation is not credible and it’s hard to seek justice.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)