Martes, Hulyo 5, 2011

Mga Anomalya ni GMA at Morato sa PCSO, Uungkatin ng Senado



Kinasa na ng kampo ng PCSO na pinamumunuan ni Margie Juico ang pagdinig sa mga anomalya ng nakaraang administrayon sa paggamit ng pera ng bayan.
“Lakas tama si Arroyo,” ani Sen. Ping Lacson sa pagkakakumpirma ng mga dokumento na nagpapatunay na ginamit ni GMA ang pondo ng bayan kung saan nakapirma si GMA sa mga maanomalyang transaksyon ng PCSO.

 Sa tingin ko malaki ang tama niya dito. Pirma talaga niya, may picture pa nga niya,” pahayag ni Lacson sa panayam ng DZBB kahapon. Ayon sa senador, ang lagda aniya ni Arroyo sa naturang mga dokumento ay sapat na para maharap ito sa kasong kriminal at administratibo.

“May nakita ako na mga document na may lagda siya. Siya (GMA) ang nag-aapruba so meron siyang culpability, kung ‘di man administrative eh criminal liability,” sabi pa ni Lacson.

Sa darating na Miyerkules nakakasa ang imbestigasyon ng Senado at pangunahing imbitado ang mga opisyal ng PCSO at Commission on Audit (COA). Sa Miyerkules at Huwebes ay pagpapaliwanagin nila ang mga kongresista at mga sangkot sa isyu kasama na din ang mga mga lider ng simbahan na dawit dito.

Kabilang sa mga ito sina Camarines Sur Rep. Diosdado Arroyo na sinasabing nakatanggap ng P500,000 para sa Naga City hospital; Quezon Rep. Danilo Suarez na umano’y tumanggap ng P68M; Negros Oriental Rep. George Arnaiz (P11.5M); Bulacan Rep. Ma. Victoria Sy-Alvarado (P8M); Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino (P5M); Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez (P5M); dating Bulacan Rep. Lorna Silverio at dating North Cotabato Rep. Emmylou Talino Mendoza (P1.2M).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento