Martes, Hunyo 28, 2011

GMA dawit sa PCSO “milking cow” issue.


Iniimbistigahan na ng legal Department ng Philippines Charity Sweepstakes (PCSO) kung dapat din kasuhay ang former President Gloria Macapagal-Arroyo at mga ex-official ng PCSO sa dahilang issue ng P760 M public relations budget ng naturang ahensya.

Ayon umano kay Dr. Larry Cedro, spokesperson ng PCSO legal department. Iniimbistigahan ni Cedro ang mga anumalya ng nkaraang administrasyon sa mga kwenstyonableng paggamit ng pondo ng PCSO na para sa mga mahihirap.Abay sumusobra ang mga ‘buwaya’ sa nakaraang administrasyon lalo na ang dating pangulong Arroyo.

“Our legal department is still studying the COA report on that alleged questionable transactions,” pahayag ni Cedro

Tiniyak naman ng bagong chairperson na si Margarita Juico na makakasuhana ang mga tao na  sangkot sa naturang illegal na transakyon sa PCSO. Ang nasbing pahayag ni Juico ay bunsod ng hamon ni dating PCSO chairman Manoling Morato na dalhin sa korte ang umiinit na hidwaan ng dalawa sa halip na ibunyag sa media.

Binunyag ni Juico na ginamit umano ni Arroyo at ng mgakaalyadong opisyal nito ang PCSO bilang gatasan o “ milking cow”.Itoy hindi paratang ni Juico kundi pawang katotohanan lamang.

Samantala, ikinonekta rin ni Bayan Muna partylist Rep. Teddy Casiño na ngayon na rin ang makalkal ang matagal nang duda na galing sa PCSO at sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) ang naka-gift bag na tig-P500,000 na ipinamudmod sa mga mambabatas na inimbitahan sa Malacañang sa kasagsagan ng impeachment case sa Kamara laban kay Arroyo.
“Matatandaan n’yo ‘yung isyu ng paper bag na bitbit ng mga congressmen paglabas ng palasyo? May laman daw ‘yun na P500,000. Ang duda noon, galing sa PCSO at Pagcor ang pera,” saad Casiño.
Kamakaylan ay ibinato ng Malacañang ang buong suporta kay Juico sa ginagawa nitong pagbubunyag ng malalaking anomalya at iregularidad sa PCSO sa nakaraang administrasyon, particular na sa panggagatas diumano rito sa ilalim ng pangulong Arroyo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento