Marami na ang isyu ang kumakalat at umiikot sa PCSO. Lahat ng pahayagan, radyo at telebisyon ay nailathala na ang mga baho ng nakaraang administrasyon.
Hindi naman lingid sa ating lahat ang mga nangyayaring anomalya ng ibat-ibang sektor ng gobyerno. Ngayon naman na dawit muli ang PCSO sa maiinit na isyu, dahil diumano’y posibleng kasuhan sina dating PCSO general manager at board vice-chair Rosario Uriate, dating mga board members na sina Manuel Morato, Jose Taruc V, Raymundo Roquero at Ma. Fatima Valdes dahil sa paglagda nila sa Resolution No. 2171 noong Nobyembre 24, 2009 na nag-aprub sa Contractual Joint Venture Agreement (CJVA) sa TMA Group of Companies na isang Australian firm para sa P42-B kontrata sa loob ng 50 taon para sa thermal paper.
Maaalala natin na idineklara na null and void ng kasalukuyang PCSO Board ang nasabing kontrata dahil na rin sa pag-aaral at opinyon ni Acting Government Corporation Counsel Atty. Raoul Creencia tungkol sa PCSO-TMA contract. Di ba’t sila naman ang gumawa ng anomalyang ito? Dapat sila ang managot. Hindi lang po barya ang pinag-uusapan dito kundi bilyon na dapat para sa mahihirap, di ba? Hindi din dapat tayo mag-aksaya ng pera. Napakalaking pera nito para sa thermal paper. Sobra-sobra kung tutuusin para sa isang bagay na maaari namang may iba pang di hamak na mas mura.
Hindi lingid sa ‘ming lahat ang mga ginagawa ninyo at alam namin na sisiwalat din lahat ng mga baho na ginagawa ninyo. Lahat kami ay aware sa mga kawalang-hiyaan ninyo. Matigil man ang mga issue na maiinit na pinag uusapan ngayon, hindi kami titigil sa pag-aabang sa solusyon. Dapat managot ang dapat managot. I really don’t care kahit linisin ninyo pa (o ni Manoling) ang kanilang pangalan sa radyo, telebisyon o diyaryo!
We all know lahat ng mga kalandian mo, Manay! Pasok kayo sa banga!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento