Biyernes, Hulyo 1, 2011

Lacson: Mga Alagad ng Simbahan, Maaaring Kasuhan

Ano na nga ba ang nangyayari sa isyu ng simbahan at mga lider nito na nasasangkot sa mga anomalya sa PCSO ngayon? Ang isyu – nabigyan daw ng mga Pajero ang mga obispo ng nakaraang administrasyong Arroyo.
Sa pag-iimbestiga ng PCSO Chairperson Margie Juico, ilegal ang transaksyon dawit ang mga alagad ng simbahan. Nangielam na din si Sen. Panfilo “Ping” Lacson at nagbanta na maaaring kasuhan ang mga ito ng kriminal.
“Wala namang mas mataas sa batas maski bishop ka at may criminal liability at sampahan ng demanda pwede kasuhan,” sabi pa ni Lacson.
Mas maganda sana kung mismong ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang magsiwalat kung sino pa ang ibang kasamahan nila na tumanggap ng Pajero mula sa PCSO.
Ayon kay Guingona, maaari nilang ipatawag ang mga bishop na tumanggap ng Pajero at iba pang klase ng sports utility vehicles (SUV) ngunit hindi nila mapipilit ang mga ito kung ayaw nilang magisa sa harap ng mnga senador na miyembro ng komite.
Binulgar pa ni Gabriela Partylist Rep. Luzviminda Ilagan na hindi lang Pajero ang mga binigay ni Gloria sa mga bishop, Nakatanggap din umano ng higit pa dito ang mga alagad ng simbahan at bago pa ito umupo nung 2001 binusog na niya mga mga lider ng simbahan.
Maaari nating pasalamatan si Margie sa pagbubunyag ng mga abo ng nakaraang administrayon sa mga anomalyang tulad nito. Napagpapatunay lang na maraming mga corrupt sa bansa, kasama na ang mga lider ng simbahan, na mukhang nakikisali pa sa kademonyohan ni Arroyo.
Hinihintay lang ngayon ng taong bayan ang panig ng CBCP sa usaping ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento