Martes, Hulyo 5, 2011

Toyo, Nakaka-kanser?


Kamakailan ay binantayan ng BFAD ang mga gatas at fruit drinks na may mapanganib na kemikal, mahigpit naman ngayong nagbabala ang Food and Drugs Administration (FDA) sa mga toyo na posibleng nakakakanser.

Sa isang advisory na ipinalabas ng FDA, sinabi ni FDA Deputy Director Nazarita Tacandong na mainam na bumili lamang ang publiko ng mga toyo na may tatak at iwasan ang bumili ng mga tingi-tingi o maging ang mga walang tatak na lalagyan partikular kung galing sa ibang bansa.

Ang anusyo ng FDA kasunod ng naging pagsusuri na may ilang toyo ang nagtataglay ng 3 monochloropropane-1, 2-diol (3-MCPD) na maaaring makapagdulot ng sakit na cancer. Sa ngayon ay nakatutok ang monitoring ng FDA para sa mga pinag na mga toyo sa Mercado at hindi pa muna maglalabas ng listahan ang FDA. Sa ngayon, pinagbabawal muna ang pagbili ng mga toyong walang tatak at nabibili sa ibang bansa habang patuloy pa din ang imbestigasyon sa mga ito.

May mga ibang mga tindera ang nagsasabi na gawa lang sa Pilipinas ang mga binebenta nila pero inutusan na ng FDA ang mga local government units na magsagawa ng monitoring para malaman kung gawa ba talaga sa Pilipinas ang mga binebentang toyo sa kani-kanilang pamilihan.

Ayon din kay Tacandong, may ilang mga produkto na binebenta sa merkado na hindi nakarehistro sa FDA kung kaya’t para makasiguro na ligtas ang bilbihin, bumuili lang sa mga lehitimong pamilihan o tiyaking may tatak para sigurado kayong dumaan sa pagsusuri at naiinspeksyon ng mabuti.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento